in photo: House damaged by Typhoon Ruby / Hagupit in Barcelona, Sorsogon province. This shows their vulnerability to natural hazards and that much still needs to be done in upholding their right to a life of dignity.
Nakikiisa ang ACCORD sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao.
Karapatan ng taong mabuhay nang may dignidad. Isa sa mga ibig sabihin nito ay karapatan ng taong mabuhay nang malaya sa gutom, sa uhaw, at sa takot — kahit na sa gitna ng isang disaster.
in photo: House damaged by Typhoon Ruby / Hagupit in Barcelona, Sorsogon province. This shows their vulnerability to natural hazards and that much still needs to be done in upholding their right to a life of dignity.
Nakikiisa ang ACCORD sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao.
Karapatan ng taong mabuhay nang may dignidad. Isa sa mga ibig sabihin nito ay karapatan ng taong mabuhay nang malaya sa gutom, sa uhaw, at sa takot — kahit na sa gitna ng isang disaster.
Sa konteksto ng Pilipinas kung saan napakataas ng bulnerabilidad ng mga tao sa iba’t ibang natural hazards, nangangahulugan ito na dapat tiyakin ang kaligtasan ng mga mamayan. Nangangahulugan ito na dapat mayroong mabilis at makataong emergency response. Nangangahulugan din ito na, bago pa magkaroon ng isang sakuna, dapat mayroong programang nakatuon sa disaster risk reduction para mailayo ang mga mamamayan sa panganib. Kasama rin dito ang pagpapababa ng mga bulnerabilidad ng isang komunidad at pagpapataas ng kanilang kapasidad na harapin ang mga risgo.
Pagkatapos ng hagupit ni Yolanda at Ruby, nakita natin na may kakulangan pa sa pagkilala at pagtaguyod sa karapatang pantao ng ating mga kababayan. Hindi agarang natugunan ang mga kagyat na pangangailangan ng mga naapektuhang mamamayan. Natagalan din ang pag-usad ng rehabilitasyon para sa pagbangon ng mga napinsalang mga komunidad, hanggang sa dumating ang bagyong Ruby na nagdulot ng muli ng malawakang gutom at uhaw sa mga tao at pinsala sa mga tahanan at kabuhayan. Sa ganitong kalagayan, malinaw na ang ating mga bulnerableng kababayan ay napagkakaitan pa rin ng kanilang mga batayang karapatan sa panahon ng disaster.
Ngunit hindi lamang natural hazards ang sanhi ng mga sakuna. Malaking bahagi pa rin nito ay ang mataas na antas ng bulnerabilidad ng mga komunidad. Ang kahirapan, kawalan ng kabuhayan, kakulangan sa edukasyon ay ilan lamang sa na nakakapagpalala sa kanilang bulnerabilidad. Nilalayon ng iba’t ibang mga civil society organizations na sumuporta sa mga komunidad sa pagpapataas ng kanilang kapasidad na muling makabagon mula sa disasters.
Sa huli, nasa pamahalaan pa rin ang bigat ng pagsisigurado na ang mga karapatang pantao — sibil, kultural, o pang-ekonomiya man ito — ay napapangalagaan, kinikilala, at hindi natatapakan. Ang pamahalaan ang mayroong mandato at responsibilidad na siguruhing natatamasa ng bawat Pilipino ang buhay na may dignidad.
Ngayong Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao, sama-sama nating ipanawagan ang makataong pagtugon sa pangangailanagn ng mga nasalanta; makatarungang mga planong at aksyon para sa pagbawas ng bulnerabilidad sa peligro at sustenableng pag-unlad ng ating bayan; at sa isang tapat at responsableng gobyerno na mangunguna sa pagsasakatuparan ng mga ito upang tayo ay mabuhay ng ligtas, maunlad at malayo sa peligro.